Mga munting aral na handog ng kuwento nina Yesha at Lito sa #MiracleInCellNo7Book!

December 23, 2019

Bago ipalabas sa mga sinehan ang inaabangang pelikula na punumpuno ng pagmamahal ngayong Pasko na Miracle In Cell No 7, buksan muna natin ang isa pang regalong handog nina Yesha, Lito, Boss Sol, Tatang Celso, Mambo, Bong, at Choi na #MiracleInCellNo7Book! Isang libro na aantig sa mga puso ninyo dahil sa dala nitong saya, luha, at mga aral na siguradong tatatak sa mga puso’t isip ninyo! Ano nga ba ang mga aral na mapupulot natin sa kuwento nina Yesha at Lito?

 

1. Mahalin ng lubos ang ating mga magulang dahil isa sila sa mga taong handang isakripisyo ang lahat para lang pasayahin tayo.

Ang bidang ama sa kuwento ay si Lito. Hindi siya pangkaraniwang tatay dahil sa kaniyang sakit ngunit itinaguyod pa rin niya ang kanilang pamilya ni Yesha sa pamamagitan ng pagpupursige sa trabaho at lubos na pagmamahal para sa anak.  Palagi niyang inaalala ang anak at pilit ipinagkakasya ang kaniyang kinikita para lamang mapasaya si Yesha. Isa sa mga pinagiipunan niya ay ang isang Sailor Moon Bag na pinakaminitmithi ng anak. Ngunit sa isang iglap, ang kapalit na pala ng bag na ito ay ang kalayaan at buhay niya.

Iba talaga ang mga magulang dahil kahit hirap na hirap na sila sa trabaho at sa pag-aalaga sa kanilang mga anak ay patuloy pa rin silang lumalaban para mabigyan ng maginhawang buhay ang kaniyang anak. Kaya’t matuto tayong magbigay halaga sa ating mga magulang na handang ibigay ang lahat sa atin ano man ang kapalit. Tulad ni Yesha, lagi nating iparamdam sa kanila ang pagmamahal at pasasalamat natin sa kanilang walang sawang pagmamahal at dedikasyon bilang mga magulang! Huwag rin natin silang susukuan ano man ang mangyari sa ating mga buhay. Lumipas man ang oras at panahon.

 

 

2. Hindi porket may masamang nagawa ang isang tao sa kaniyang nakaraan ay hindi na siya puwedeng magbago.

Sa pagdating ni Lito sa Cell No. 7, makikilala natin ang kaniyang mga kasamang preso na sina Boss Sol, Tatang Celso, Bong, Mambo, at Choi. Unang engkwentro pa lamang, brusko at maangas na agad ang pagpapakilala nila ngunit sa pagtagal, lumambot rin ang puso nila dahil sa bukal na puso ni Lito at ang kaniyang mapagmahal na anak na si Yesha. Sa kabila ng mga nagawa nilang masasamang bagay na nagdala sa kanila sa likod ng rehas, pinakita nila na may pag-asa pang magbago ang kahit sino dahil sa lubos na pagmamahal. Kayat matuto tayong magpatawad at bigyan ng pagkakataong magbago ang mga taong may nagawang masama sa atin o sa ibang tao dahil hangga’t may pagmamahal sa mundo, hindi pa huli ang lahat para sila ay gumawa ng tama at magmahal ng kapwa nila! 

 

3. May pag-asa pa.

Sa kabila ng mga kasamaan at problema na kaliwa’t kanan na nagsusulputan sa ating mundo na ginagalawan, huwag na huwag tayong mawawalan ng pag-asa katulad nina Lito at Yesha. Kahit na napakadilim na ng daang tinatahak nila, maraming tao sa paligid nila ang nagbigay liwanag sa kanilang mga buhay. Sana ay panghawakan natin ang mga magagandang pangyayari sa kuwento ng Miracle in Cell No. 7 at ihalintulad natin sa realidad! Maraming magagandang bagay na dapat bigyang halaga at pansin para sa mas positibong pananaw sa buhay. Kaya always think positive at punuin ng pagmamahal ang puso katulad nina Yesha at Lito na kahit pilit ipinaghiwalay ng iba ay patuloy pa rin na bumabalik sa isa’t isa dahil sa kapangyarihan ng pag-asa at pag-ibig!

 

Marami pang mga aral ang laman ng #MiracleInCellNo7Book kaya bili na nang iyong kopya sa lahat ng leading bookstores nationwide at online sa https://vivabooks.ph/books/miracle-in-cell-no-7 upang makasama sina Lito at Yesha na may hatid na pagmamahal at aral ngayong Pasko!

Huwag rin kalimutang manuod ng #MiracleInCellNo7 simula December 25 sa lahat ng sinehan nationwide!

 

Viva Books

Please wait while the page is loading...